WebClick Tracer

Nanganak sa baby nila ni Aljur? AJ Raval nagsalita na

Binasag ni AJ Raval ang pananahimik sa tsikang isinilang na niya ang baby nila ni Aljur Abrenica sa isang ospital sa Pasig City.

Sa Facebook, nag-comment si AJ sa balitang nanganak siya.

Ani AJ, “sira ulo” raw ang nagsasabing nanganak siya.

“Siraulo mga yan hahaha,” ani AJ.

“Nanahimik ako dito,” dagdag niya.

Nag-ugat ang tsikang panganganak ni AJ nang sabihin ng talent manager na si Ogie Diaz sa isang vlog, na isang source raw niya ang nagkumpirma na nanganak ang sexy actress nitong November.

Naispatan din daw si Aljur na nakaantabay sa panganganak ni AJ sa labas ng ospital.

Kinumpira rin ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na totoo ang ibinunyag ni Ogie.

Samantala, hinamon ni Cristy si AJ na magpakita nang live para patunayan na hindi ito nanganak matapos mag-post ng aktres ng litrato niya na flat na flat ang tiyan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on