WebClick Tracer

Lolang senior, minurder sa kubo

kubo

Nasa state of decomposition na ang isang matandang babae nang matagpuan sa labas ng isang kubo sa remote area ng Sityo Logpond, Brgy. Binahaan, Pagbilao, Quezon nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Nilda Malana Villegas, 63 anyos.

Ayon sa report ng Pabilao police, natagpuan ang wala ng buhay na biktima sa harap ng kubo ng itinuturing na suspek na si Jerry Rodriguez Abad, 44 anyos.

Ayon sa pulisya, inabandona na ang kubo pero nagkalat ang mga gamit sa loob indikasyon na nagkaroon muna ang kaguluhan bago ang krimen.

Huling nakitang buhay ang biktima noong gabi ng November 25 matapos na makipagsayahan ito sa kapiyestahan ng bayan ng Pagbilao at nakitang patungo sa kubo ng suspek.

Hindi na rin nakita si Abad mula noon.

Pinaghahanap ito ngayon ng pulisya at nahaharap sa kasong murder.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng SOCO ang labi at inaalam ang dahilan ng pagkamatay nito.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on