WebClick Tracer

Isa pang pulis aksidente pumutok ang baril sa loob ng kampo

pulis

Isa pang pulis ang aksidenteng pumutok ang kanyang service na armas habang naghahanda sa inspection sa loob ng headquarters sa Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng Calamba City police, inihahanda ng pulis na si PSSg Joel Ramos, ang kanyang service long fire arm na Galil rifle para sa gagawing inspection ng mga tauhan ng Regional Supply Accountable Officer (RSAO) nang bigla itong pumutok habang tinatanggalan ng bala.

Wala namang tinamaan sa aksidente.

Napag-alaman na katatapos lamang ng duty ni Ramos ng mangyari ang insidente.

Si Ramos na nakatalaga sa Technical Support Company (TSC), RFMB4A ay isinailalim sa restriction at kinustodiya sa loob ng barracks habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Dahil din sa pangyayari, magsasagawa ng pagsasanay ang TOC hinggil sa proper handling of firearms sa kanilang mga personnel.

Noon lamang nakaraang linggo, isang police ang aksidenteng nabaril ng kanyang kasamahang SWAT member habang naghahanda rin ng kanilang baril para sa inspection sa loob ng barangay hall sa San Pablo City.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on