WebClick Tracer

Ina na pumatay at naglibing sa kanyang 3 taong gulang na anak sa Quezon natimbog

Timbog

Makaran ang mahigit na 6 na buwan pagtatago sa batas natimbog ng mga awtoridad nitong Huwebes ang isang babae na wanted dahil sa pagpatay at paglilibing sa kanyang 3-taong gulang na anak na lalaki sa Catanuan, Quezon noong nakaraang Mayo.

Kinilala ang suspek na si Lyn-Lyn Capio Monterey, 25-anyos.

Si Montery na nakatala bilang isa sa mga regional most wanted person ay naaresto ng mga tauhan ng Catanauan police nang ito ay lumitaw sa Brgy. Sta Maria Dao dakong alas 6:30 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest mula Regional Trail Court Branch 96, ng Catanauan para sa kasong parricide.

Walang rekomendadong piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya nito.

Batay sa record ng Catanuan police, Mayo 29, 2022 nang lunurin ng suspect ang kanyang 3 anyos na anak na lalaki sa sapa sa tabi ng kanilang bahay sa Sitio Central, Barangay Sta. Maria.

Sa naunang imbestigasyon noon ng pulisya, sinasabing narinig umano ng isang testigo ang suspek na nagsasalita at sinasabing napapagod na ito sa pag-aalaga sa biktima kaya niya ito nilunod at pagkatapos ay inilibing sa gilid ng sapa.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on