WebClick Tracer

Bird flu nakalusot sa Peru

Bird flu

Tinatayang nasa 14,000 na pelicans na ang namatay sa bansa na Peru dahil sa kumakalat na bird flu sa bansa. Ang ilang ibon na nasawi ay nakita sa tabing-dagat at patuloy pa umano ang naitatalang pagdami ng mga namatay na ibon.

Ang mga uri ng ibon na nadali na ay ang pelicans, sea boobies, blue-footed boobies at iba pa na lahi ng ibon.

Binalaan naman na ng United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO) ang mga lugar sa South at Central America na maging ‘high alert’ sa nasabing virus na kumakalat dahil sa mga migratory birds.

Kadalasan umano ay kumakalat ang virus sa kapwa nilang ibon at posibleng makahawa sa mga poultry.

TELETABLOID

Follow Abante News on