WebClick Tracer

2 parol mula Pampanga, pinailawan sa New York

New York

Pormal ng sinimulan ang pagpapailaw sa New York ng dalawang parol mula sa Pampanga, ito ay ibinahagi sa Facebook post ni Governor Dennis ‘Delta’ Pineda.

“Pinailawan na po simula December 1 sa Philippine Center sa New York City ang dalawang parol galing sa Pampanga provincial government. Ang ate ko po na Si Lubao Mayor Esmie Pineda ang kumatawan sa akin at kay Vice Governor Nanay. Maligayang pasko po sa ating mga kababayan sa Amerika.” saad sa caption ni Pineda.

Kilala ang lugar ng Pampanga sa pagiging masigla at pagiging aktibo kapag paparating na ang kapaskuhan. Sa katunayan ay tinaguriang ‘Home of the Giant Lanterns’ ang lungsod ng San Fernando kung saan makikita rin dito ang samu’t saring makukulay na parol.

Kamakailan lang ay isang panukala ang inihain sa Kamara para ideklarang Christmas capital ng bansa ang Pampanga. Ang pagdedeklara sa Pampanga bilang Christmas capital ay pagkilala umano sa lantern-making industry na isa sa bumubuhay sa ekonomiya ng probinsya.

TELETABLOID

Follow Abante News on