WebClick Tracer

WBC bumuo ng special panel para sa pasabog ng reperi

Inanunsyo ng World Boxing Council (WBC) na bumuo na ito ng special panel para irebyu ang pahayag ng retiradong reperi na si Carlos Padilla tungkol sa pagtulong umano niya kay Manny Pacquiao upang manalo kontra kay Australian boxer Nedal Hussein noong 2000.

Usap-usapan ngayon si Padilla matapos niyang sariwain sa isang interview na ibinahagi sa YouTube channel ng WBC kung paano niyang tinulungan si Pacquiao na makarekober mula sa pagkaka-knockout sa 4th round ng laban at matalo si Hussein sa kanilang WBC international super bantamweight title bout sa Ynares Center sa Antipolo.

Sa isang statement na inilabas sa kanilang website, sinabi rin ni WBC president Mauricio Sulaiman na sumulat ang anak ni Padilla na si Suzy sa boxing community at idinepensa ang kanyang ama.

“My father is an 88 year old man who is just that – old and aging! Despite the fact that he has been living in the United States for decades, English remains his 2nd language. Communications can be misconstrued and well intentioned words can be misinterpreted,” ani Suzy.

“The present situation is one such glaring example of what might have actually been said (no pun intended), and what may have been taken out of context.

“My father is a decent and honorable man. He dedicated his life to boxing and boxers and cared for them and their well being, regardless of nationality or circumstance. He refereed numerous historic fights with the likes of Muhammad Ali, Hagler, Leonard, Hearns, and many more fighters for the entirety of his career,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on