WebClick Tracer

Sa Amerika sana magtatrabaho: VP Sara pinauwi sa ‘Pinas ni Digong

Inamin ni Vice President Sara Duterte na sa Amerika sana siya bubuo ng career matapos maka-graduate ng respiratory therapy ngunit pinabalik siya sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang interview sa SMNI, sinabi ng Bise Presidente na sinabihan siya ng dating pangulo na ipade-deport mula US kung hindi uuwi.

“Sinabihan niya ko, ‘Bumalik ka dito, magtrabaho ka para sa bansa mo. Kung hindi ka babalik dito, ipapahanap kita, ipapa-deport kita diyan sa US.’ So, napaisip ako, hindi ko naman din gusto na mangyari sa buhay ko na ma-deport ako. Napaisip ako and I told him I have this Plan B,” kuwento ni VP Sara.

Ang Plan B daw niya ay ang mag-aral sa law school dahil nakapasa siya sa entrance exam sa San Beda.

Aniya, ang paghahanap ng kanyang ama ng paraan para makapagtapos siya sa law school ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Pilipinas.

Samantala, tingin niya ay hindi siya ang paboritong anak ng dating pangulo ngunit bias lamang ito sa kanya dahil isa siyang abogado.

“Sa tingin ko may bias siya for me dahil I am a lawyer… Filipino parents somehow, importante sa kanila kung lawyer o doktor ‘yung anak nila,” paliwanag ni VP Sara. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on