WebClick Tracer

Lalaki nakuryente dahil sa illegal fishing

Mangingisda

Nasawi ang isang lalaki matapos na ito ay makuryente habang naghahand para mag-i-illegal fishing sa baybaying dagat ng Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas nitong Miyerkules ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Bibiano Auxilio , 48-anyos, dahil sa mga paso at sugat na tinamo nito sa katawan.

Ayon sa report ng Calatagan police, dakong alas 11:00 ng umaga, naghahanda na sa pangongoryente ng isda ang biktima kasama ang kanyang anak na lalaki gamit ang 220 volts livewire nag bigla na lamang itong mangisay nang mahawakan ang electric fishing rod .

Isinugod pa ito sa ospital subalit binawian naa ng buhay bago pa man mairating sa ospital.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on