WebClick Tracer

Lakers pinaiyak ng Pacers, rookie pinasabit si LeBron

Balik sa pagkatalo ang Los Angeles Lakers matapos silang madali ng Indiana Pacers, 115-116. Akala ng karamihan ay tapos na ang laban matapos tambakan ng Lakers ang Pacers sa huling quarter, umabot pa nga ang lamang ng Lakers sa 17 puntos.

Ngunit kumawala ang lamang ng Lakers at hindi nagpatalo ang Pacers at nakabuo ng 10-0 scoring run upang makabalik sa laro.

Sa huling segundo ng laro ay naging dikit ang laban at lamang pa ang Lakers ng dalawa ngunit hindi nakuha ng Lakers ang rebound dahilan upang magkaroon pa ng tsansa ang Pacers na manalo, nakuha ni Tyrese Haliburton ang bola at nahanap sa three point area ang kanilang rookie na si Andrew Nembhard at naipasok ang tres, pinasabit pa nito si LeBron James.

Bagama’t natalo ay patuloy ang magandang ipinapakita ni James at nakapagtala ng 21 puntos at pitong rebounds. Bumagsak naman ang record ng Lakers sa, 7-12. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on