WebClick Tracer

Chinese student pinapak: K-pop star Kris Wu kalaboso sa rape

Hinatulan ng isang korte sa China si dating EXO member Kris Wu na makulong ng 13 taon matapos mapatunayang guilty sa rape.

Lumabas sa isinagawang pagsisiyasat na mula November hanggang December 2020 ay tatlong babae ang ginahasa niya.

Sinamantala umano ni Kris Wu, 32, ang kalasingan ng tatlong biktima sa kanyang bahay.

Kilala rin si Kris Wu bilang Wu Yi Fan, 32.

Dating miyembro si Kris Wu ng K-pop group EXO, at bumalik sa China noong 2014 upang maging solo artist.

Nakulong na si Wu mula pa July 31, 2021 matapos siyang isumbong ng isang 18-anyos na Chinese student ng panghihikayat sa kanya at sa iba pang babae – ilan ay edad 18 pababa – upang makipag-sex.

Samantala, bukod sa rape, napatunayan ding guilty si Wu sa krimen na “assembling a crowd to engage in sexual promiscuity”. (IS)

TELETABLOID