WebClick Tracer

Walang scandal: Xian ‘di takot ma-hack ang cellphone

Tila hindi takot ang aktor na si Xian Lim kung ma-hack, manakaw o may mam-blackmail sa kanya kapag may nakakuha ng kanyang cellphone.

Kasi nga raw, kung ini-expect ng salarin na mayroon siyang scandalous photos or videos, ay mabibigo ito.

“Who else can relate? (pets emojis),” post ni Xian sa kanyang Instagram nitong Huwebes.

Sa naturang reel, ipinakita ni Xian ang karaniwang linyahan ng mga hacker na “I hacked your phone. Send me money or I’ll post your pics.”

Ipinagkibit-balikat nga lang ito ni Xian, if ever nga na ma-hack ang kanyang phone. Kasi nga, puro picture ng mga alaga niyang aso ang naka-store sa kanyang photo gallery.

Reaksyon naman ng girlfriend niyang si Kim Chiu sa naturang post:
“Sooooo gwapo naman!!! (heart-eyed emoji) ano po name niyo?”
Reply naman dito ni Xian: “You can call me Mine. Okay lang po?”
Panatag nga namang girlfriend si Kim kung walang itinatagong scandal si Xian.
Lalo tuloy kinilig ang mga KimXi fans sa dalawa.
Natuwa rin ang mga netizen sa pagiging dog-lover ng guwapong aktor. (Batuts Lopez)

TELETABLOID