WebClick Tracer

Pink salmon, pompano bawal ibenta sa palengke – BFAR

pompano

Ipinagbabawal umano ang pagbebenta ng mga imported na isda gaya ng pink salmon at pompano sa mga palengke, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes.

Anang ahensya, ang permit para sa pink salmon at pompano ay para lamang sa mga industrial user tulad ng mga cannery, hotel at restaurant.

Ito’y matapos ang isinagawang public information campaign ng BFAR sa Commonwealth Market sa Quezon City upang ipaalam sa mga fish vendor na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga imported na isda na hindi awtorisado sa mga wet market.

Hanggang Disyembre 4 na lang umano papayagang magbenta ng mga nabanggit na isda at pagkatapos nito’y mangungumpiska na ang BFAR.

Matagal na umanong bawal ang pagbebenta ng mga imported isda sa mga palengke dahil sa Fisheries Administrative Order No. 195 na nilagdaan noon pang 1999.

Sabi ng BFAR, paraan nila ito para tulungan ang mga lokal na mangingisda at para tangkilikin ng publiko ang mga isdang nahuhuli sa bansa. (IS)

TELETABLOID