WebClick Tracer

Pilipinas nakapagtala ng 189 diplomatic protest vs China ngayong taon

diplomatic protest

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakapagtala umano ang Pilipinas ng 189 diplomatic protest laban sa China ngayong taon. 61 umano rito ay nangyari nitong kasalukuyang administrasyon na.

“As of 22 November, the DFA has issued 189 protests; 61 of which were made during the current administration. The figures are for 2022,” ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza.

Matatandaang patuloy ang pagsakop ng daan-daang Chinese coast guard sa isla na pinag-aagawan ng dalawang bansa, ilang maritime law expert at senador na rin ang hinikayat ang gobyerno na sitahin ang China sa patuloy na ginagawang konstruksyon ng China sa Spratly Islands.

“The Philippines should continue to expose and call the attention of the international community to the potential threats posed by China’s continuing and intensifying militarization of the islands,” ayon kay Director of the UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Jay Batongbacal hinggil sa patuloy na konstruksyon ng China.

“In response, the Philippines should also take realistic steps to enhance its defenses against these military bases, whether by its own modernization efforts or through its defense alliances and partnerships,” dagdag pa nito.

TELETABLOID