WebClick Tracer

Paolo Duterte pinamamadali pagbuo ng Metropolitan Davao Development Authority

Metropolitan Davao Development Authority

Pinamamadali ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang agarang implementasyon ng batas na lilikha sa Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) na makatutulong umano sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng rehiyon.

“We should not delay anymore the implementation of the law creating the MDDA. Metro Davao is seven times the size of Metro Manila and even bigger than the land area of Singapore. The MDDA is necessary so that the development plans of the cities and municipalities comprising Metro Davao will move in a synchronized path that is beneficial to all,” sabi ni Duterte.

Ang Metropolitan Davao ay binubuo ng mga siyudad ng Davao, Panabo, Tagum, Island Garden in Samal, Digos, at Mati, at mga munisipyo ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag, Sulop, Carmen, Maco, Malita at Sta. Maria.

“We can save Metro Davao from haphazard planning and transform it into a smart, sustainable, and resilient metropolis if the Metro Davao Development Authority can start doing its job,” dagdag pa ni Duterte na isa sa may-akda ng panukala na naisabatas noong nakaraang Kongreso.

Kasama sa mga magiging trabaho ng MDDA ang paggawa ng mga programa upang mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon at maparami ang papasukang trabaho kasabay ng pagpapaganda ng serbisyo sa publiko.

Kasama umano sa tutugunan nito ang mga problema sa kinakailangang imprastraktura, polisiya sa transportasyon, solid waste disposal, flood control management, suplay ng tubig at kuryente, at pagpaplano sa urbanisasyon.

Sinimulan ng Davao Regional Development Council ang pagbuo sa implementing rules and regulation ng MDDA law noong Mayo. (Billy Begas)

TELETABLOID