WebClick Tracer

Panukalang charter ng National Library umusad

National Library

Umusad ang panukalang charter ng National Library of the Philippines.

Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture nagkasundo ang mga miyembro na pagsama-samahin ang 12 panukala na magbibigay ng linaw sa trabaho at responsibilidad ng National Library at mga opisyal nito.

Ayon sa chairperson ng komite na si Pasig City Rep. Roman Romulo kasama sa panukala ang pagtulong ng National Library sa pagtatayo ng mga digital public library na maglalaman ng mga digitized na kopya ng mga libro kasama na ang mga ginagamit sa mga pampublikong paaralan.

Itinulak ang pagkakaroon ng digitized copy ng mga libro ng mga pampublikong paaralan upang mas marami ang makabasa nito. (Billy Begas)

TELETABLOID