WebClick Tracer

Namilipit sa sakit! Jessa Zaragoza isinugod sa emergency room

Jessa Zaragosa

Namilipit sa sakit! Jessa Zaragoza isinugod sa emergency room

Namimilipit sa sakit na isinugod sa emergency room ang singer na si Jessa Zaragoza.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Jessa ng litrato niya habang nakahiga sa hospital bed.

Saad ng misis ni Dingdong Avanzado, inakala niyang kakayanin niya pa ang matinding pananakit ng tiyan ngunit nung pagabi na ay hindi na niya kinaya.

Nalaman niyang acute gastroenteritis with mild dehydration ang dahilan nito.

Tingin daw niya, dahil ito sa pasta na kinain niya.

“So we went straight to the ER at Cardinal Santos. Turns out it was Acute gastoentiritis with Mild dehydration. Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit,” sambit ng singer.

“As in. ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that.

“Thank GOD, that was not the case. Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before😭 may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita,” kuwento pa niya.

Pinayuhan niya ang publiko na laging mag-ingat sa mga kinakain lalo na pagdating sa pasta.

Sa ngayon ay nagpapahinga na raw siya sa bahay. (IS)

https://www.instagram.com/p/ClTMLjwrZPa/

KW: Jessa Zaragoza

SEO: Jessa Zaragoza Isinugod Sa Emergency Room

META: Namimilipit sa sakit na isinugod sa emergency room ang singer na si Jessa Zaragoza.

TELETABLOID