WebClick Tracer

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Disyembre 21

MMFF

Magsisimula ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars sa Disyembre 21 kung saan magsisimula ito sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue papunta sa Quezon Memorial Circle. Tinatayang nasa pitong kilometro ang haba na babaybayin ng parada at tatagal ng 30 minutos.

Inaasahan naman na nakaantabay ang mga traffic enforcer sa mga dadaanan na ruta.

Narito ang listahan ng mga opisyal na pelikulang kasali sa MMFF:

‘Deleter’ ng Viva Communications, Inc.

‘Family Matters’ ngCineko Productions, Inc.

‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ ng Borracho Film Production

‘My Father, Myself’ ng 3:16 Media Network and Mentorque Productions

‘Nanahimik ang Gabi’ ng Rein Entertainment Productions

‘Partners in Crime’ ng ABS-CBN Film Productions

‘Labyu with an Accent’ ng ABS-CBN Film Productions

‘My Teacher’ ng TEN17P

Ang pagpapalabas ng mga pelikula ay simula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2023 at magkakaroon ng ‘Gabi ng Parangal’ sa Disyembre 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

TELETABLOID