WebClick Tracer

Manager nagpaulan ng bala sa supermarket, 6 dedbol

mabaril

Anim na katao ang nasawi matapos magpaulan ng bala ang isang manager ng supermarket bago siya nagbaril sa sarili.

Ayon sa report ng CNN, kinilala ang lima sa anim na namatay sa pamamaril sa Virginia Walmart noong Martes ng gabi sa Chesapeake na sina Lorenzo Gamble, Brian Pendleton, Kellie Pyle, Randall Blevins at Tyneka Johnson.

Isang 16-anyos na lalaki ang ikaanim na biktima na hindi na pinangalanan dahil sa pagiging menor de edad.

Samantala, kinilala naman ang gunman na si Andre Bing, 31, na armado ng isang handgun at maraming bitbit na magazine.

Isa umanong “overnight team lead” si Bing at may 12 taon nang nagtatrabaho sa Walmart o simula taong 2010.

Saad naman sa BBC report, pinagbabaril ng longtime manager ang mga katrabaho niya sa isang staff room.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang background ni Bing upang mabatid ang motibo ng kanyang pamamaril. (IS)

TELETABLOID