WebClick Tracer

LeBron James sasamahan ang Lakers vs Spurs

LeBron James

Matapos mapilay si LeBron James laban sa kanilang karibal na Los Angeles Clippers, inaasahan na makakabalik na ito laban sa San Antonio Spurs. Nasa limang laro rin nawala si James matapos ang kaniyang pilay.

Kung sakaling makakabalik na ito, malaking tulong ito sa Lakers para magkaroon ng dagdag na lakas para sa opensiba. Sa mga huling laro ay si Anthony Davis ang nagbubuhat, sunod-sunod ang itinala nitong double-double performance ngunit noong nakaraang laro nila ay natalo sila laban sa Phoenix Suns dahilan upang maputol ang binuo nilang winning streak.

Hanga naman si James sa ipinapakita ni Davis habang siya ay wala. Ngayong season ay 24.9 puntos, 8.8 rebounds at 6.9 assists ang average ni James. Isa na namang halimaw na average ang ipinapakita ng 37 taong gulang na player.

Patuloy naman ang kampanya ng Los Angeles Lakers upang masundan ang kanilang kampeonato, huling nanalo ang Lakers ng singsing noong bubble season. Ito ay sa pangunguna nina James, Davis at head coach nila na si Frank Vogel. (CS)

TELETABLOID