WebClick Tracer

Kris Aquino ibinida sina Joshua, Bimby: ‘My reasons kung bakit tuloy ang laban’

BIMBY,JOSHUA

Ibinahagi ni Kris Aquino ang litrato ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby na dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban sa kanyang sakit.

Nasa Amerika pa ang Queen of All Media para magpagamot sa kanyang autoimmune diseases.

Sa update niya sa kanyang kalusugan, ibinahagi niya ang photo nina Joshua at Bimby.

Sey niya, “I posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (I’m so immunocompromised- since June I’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).

“I pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time,” saad ni Kris sa Instagram. (IS)

TELETABLOID