WebClick Tracer

Jayson Castro, ekis na sa Commissioner’s Cup

jayson castro

Mababawasan ng armas ang TNT Tropang Giga sa kampanya nito sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Ibinalita ni Coach Chot Reyes na baka hindi na makabalik ang kanilang team captain na si Jayson Castro.

Dumanas ng sprained ankle si Castro sa pagkatalo nila sa Barangay Ginebra, 89-85, noong November 20.

Hindi rin siya nakalaro sa banggaan ng TNT at Bay Area noong Nov. 23.

“I don’t think he can be back for the conference,” lahad ni Reyes sa ABS-CBN report.

“Ang hirap pilitin eh. Remember galing na siya sa sprain sa finals (Philippine Cup),” dagdag niya.

Ang tinutukoy umano ni Reyes ay ang parehong injury na bumagabag kay Castro sa All-Filipino Cup finals laban sa San Miguel Beermen.

Sabi naman ni Castro, masakit at namamaga pa ang kanyang injury. (IS)

TELETABLOID