WebClick Tracer

Fina Tchuido, Lady Archers pinana ang 108 ragasa ng Lady Bulldogs

Fina Tchuido

Pumalaso si Fina Tchuido ng 14 points at 19 rebounds nang yanigin ng De La Salle University Lady Archers ang six-time defending champion National Univesity Lady Bulldogs, nilagot ang makasaysayang siyam na taong 108-panalo 61-57 pagsilat sa overtime.

Sa pagpapatuloy ito ng 85th University Athletics Association of the Philippines 2022 women’s basketball tourney eliminations Miyerkoles sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion sa Sampaloc, Maynila.

Unang olats ng Bustillos-based cagebelles ito mula sa pambihirang mahabang panananalasa. Bago ito, huling tumaob ng NU noon pang Oct. 5, 2013.

Dehins din awtomatikong tumapak sa finals ang Lady Bulldogs kahit lider pa rin sa 12-1 win-loss slate kabuntot ang mga basketbolistang taga-Taft (11-2). Babalik ang nakagawiang Final Four format.

Wagi rin ang UST Golden Tigresses kontra UP Lady Maroons, 85-52 upang lumakas ang tsansa sa semifinals. (Sarah Asido)

Foto credit: UAAP

Nagdiwang sina (L-R) Marga Jimenez at Lee Sario ng DLSU Lady Archers. (UAAP)

TELETABLOID