WebClick Tracer

Emmanuel Ledesma Jr, inupong acting PhilHealth president

Pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos si Emmanuel Ledesma Jr. bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, nanumpa sa tungkulin si Ledesma nitong Huwebes, Nobyembre 24.

Si Ledesma ay miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth.

Dati siyang presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation. (IS)

TELETABLOID