WebClick Tracer

Devin Booker tinawag na ‘duwag’ si Beverley

Devin Booker

Matapos magkaroon ng tulakan sa laban ng Phoenix Suns at Los Angeles Lakers, nagparinig si Devin Booker kay Patrick Beverley matapos nitong itulak ang kakampi na si Deandre Ayton at bumagsak sa gilid ng court.

“Pat need to stop pushing people in the back man. Push them in the chest.” sagot ni Booker sa interview matapos ang laro.

Kilala kasi si Beverley sa pagtulak sa likod kapag ito ay may nakakainitan na player, nagawa na niya ito dati kay Chris Paul.

Bukod dito, kilala rin si Beverley bilang isang teammate na laging poprotektahan ang kakampi, isa ito sa mga nagustuhan kay Beverley noong ito ay nasa Los Angeles Clippers pa kasama sina Paul George, Kawhi Leonard at Reggie Jackson. Handa itong makipagbangasan ng mukha para lang maprotektahan ang kaniyang kakampi.

Muling maghaharap ang Lakers at Suns sa Disyembre, paniguradong aabangan ng mga fan ang muling pagkikita nina Beverley, Booker at Ayton. (CS)

TELETABLOID