WebClick Tracer

Bruce Lee posibleng namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

BRUCE LEE

Posible umanong ang sobrang pag-inom ng tubig ang ikinamatay ng sikat na martial artist at aktor na si Bruce Lee.

Batay ito sa inilabas na bagong pag-aaral, ayon sa report ng South China Morning Post.

Brain swelling o pamamaga ng utak ang sinasabing sanhi ng kamatayan ni Lee.

Ngunit sa pag-aaral na inilathala sa December issue ng Clinical Kidney Journal, sinasabing uminom si Lee ng mas maraming tubig na hindi kaya ng kanyang katawan.

Ayon sa mga researcher, ang tunay na dahilan ay maaaring hyponatraemia, isang electrolyte imbalance, kung saan mababa ang antas ng sodium sa dugo.

Ang kondisyon ay nangyayari kapag ang dami ng tubig sa katawan ng isang tao ay binabawasan ang sodium levels sa kanilang dugo, na pumipigil naman sa kanila sa paglalabas ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

Saad pa sa pag-aaral, may “chronic fluid intake” si Lee na may kasamang alcohol at juice-based diet, paggamit ng marijuana at pagka-injure ng kanyang kidneys dahil sa martial arts – na mga risk factor para sa hyponatremia.

Namatay si Lee sa edad na 32 sa Hong Kong noong July 1973. (IS)

TELETABLOID