WebClick Tracer

Bride nagpakasal nang naka-dextrose

Hindi napigil ng karamdaman ang isang babae at itinuloy pa rin ang pagpapakasal sa kanyang minamahal na groom.

Ayon sa kuwento, isang araw bago ang kanilang wedding day ay nagpositibo si Levy Jaedicke Felix sa dengue kaya isinugod siya sa ospital.

Inakala raw ng groom na si Richmond Ariola na makakansela na ang kanilang pag-iisang dibdib.

Mabuti na lamang daw ay rumescue sa kanila ang kanilang mga wedding coordinator at supplier.

Kaya naman matagumpay na naituloy ang kasalan noong July 18 sa kabila na naka-dextrose pa ang bride.

May naka-standby naman daw na doktor at medical equipment sa wedding ceremony para bantayan ang kondisyon ng kalusugan ni Levy.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

“That the Power of love ❤️.”

“So proud of you both! 💕.”

“Love is a powerful force indeed! Cheers to you both ❤️.”

“Amazing 👌.”

“Tuloy ang kasal!”

“Congrats sa inyo wohooo.” (IS)

TELETABLOID