WebClick Tracer

Birthday ni Zia Dantes apaw sa cake

Zia

Dalaginding na ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia.

Nitong Nov. 23 nag-celebrate si Zia ng kanyang 7th birthday.

Sinorpresa siya ng kanyang Mommy Marian at Daddy Dingdong sa kanilang bahay.

At dahil 7th birthday niya, pito rin ang cake niya!

“…And of course since it’s another milestone for Ate Z, dapat may Conti’s. We surprised Ate Z with a lovely setup of her Conti’s favorite cakes. 7 cakes for her 7th birthday!” saad ni Marian sa Facebook post.

Ilan sa bumati kay Zia sina Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, KC Concepcion, Ai-Ai delas Alas at Chynna Ortaleza.

Isinilang si Zia o Maria Letizia “Zia” Dantes noong November 23, 2015.

Pagkaraan ng apat na taon, nagkaroon siya ng baby brother, si Sixto o Jose Sixto Dantes IV, na isinilang noong April 16, 2019. (IS)

TELETABLOID