WebClick Tracer

Barangay Captain, patay sa pamamaril sa Lemery, Batangas

barangay captain

Nasawi ang isang barangay captain matapos na ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspect habang sakay ng kanyang SUV sa Lemery, Batangas.

Naisugod pa sa ospital ang biktimang si Enrico Renwick Razon, 59 anyos, residente at kapitan ng Barangay District 3, Lemery.

Batay sa report ng Lemery police, dakong 5:30 ng Martes ng hapon, nagmamaneho ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner at tinatahak ang barangay road ng Barangay Ayao- Iyao, Lemery nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Ayon sa imbestigasyon, sinundan ng riding in tandem suspect ang SUV ng biktima at ng maabutan ay pinaulanan ng bala ang kanang bahagi nito gamit ang maiksing kalibre ng baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa likod ng katawan ang biktima at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metro-Lemery Medical Center.

Hindi naman nasugatan ang tatlong babaeng kasama nito sa sasakyan.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo at ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID