WebClick Tracer

Aicelle Santos malungkot ang Pasko, pumanaw ang ina

Magpa-Pasko si singer Aicelle Santos na wala na sa piling niya ang kanyang inang si Leonila “Onnie” Santos.

Sa Instagram nitong Huwebes, nag-post siya ng litrato ng isang dilaw na butterfly na dumapo sa kaliwang kamay niya.

“I know this is you, Ma.💛 Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita.🙏,” ani Aicelle.

Sa comment section, agad nagpahayag ng pakikiramay ang mga kapwa niya celebrity kabilang na sina Julie Anne San Jose at Boobay.

Noong August humingi ng dasal si Aicelle para sa kanyang ina na nasa kritikal na kondisyon.

Makalipas ang isang buwan ay nanawagan naman siya ng tulong dahil comatose pa rin ang kanyang Mommy Onnie matapos ma-cardiac arrest.

Samantala, nag-post naman sa Instagram ang mister ni Aicelle na si Mark Zambrano ng isang black and white photo ng kamay nito na nakapatong sa kamay ng kanyang biyenan.

“Salamat, momshie. Pahinga na po,” caption niya. (IS)

TELETABLOID