WebClick Tracer

Pinoy citizenship ni Brownlee inaprub sa 2nd reading ng Kamara

Brownlee

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng Philippine citizenship kay Justin Donta Brownlee.

Ang House Bill 6224 ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce voting matapos ang sponsorship speech ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero.

Kapag nabigyan ng Philippine citizenship, si Brownlee ay maaari ng makapaglaro para sa Gilas Pilipinas Basketball team.

Sa ilalim ng panukala ay manunumpa ng katapatan si Brownlee sa Republika ng Pilipinas. Ang kanyang Oath of Allegiance ay irerehistro sa Bureau of Immigration.

Maglalabas naman ang BI ng certificate of naturalization kay Brownlee. (Billy Begas)

TELETABLOID