WebClick Tracer

Lalaki naburyong, Live in partner pinatay sa saksak

saksak

Dahil sa mga problema sa pagkakautang at sinabayan pa ng sobrang pagseselos, naburyong ang isang lalaki at napatay sa saksak ang kanyang live-in partner sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna.

Naaresto na kamakalawa at sinampahan na rin ng kasong murder ang suspek na si Jan Rhey De Guzman, 27 anyos.

Batay sa report ng Liliw police, dakong alas 10:00 ng gabi noong Linggo nang pagsasaksakin ng suspek ang live-in partner niyang si Diane Angela Canlas , 22 anyos, sa loob ng kanilang bahay.

Nagkaroon muna ang mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa pagseselos ng lalaki hanggang sa mauwi sa pananaksak gamit ang isang kutssilyo.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng saksak sa katawan at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Nagcarlan, District Hospital.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen subalit agad din itong naaresto sa follow up operation ng Liliw police.

Sinabi sa puliya ng mga kaanak ng biktima na ilang araw na umanong balisa ang suspek dahil sa pagkakabaon nito sa utang dahil sa pagka adik sa sugal na online sabon o talpak.

Nakakulong na ang suspek sa Liliw police station locked up cell.

TELETABLOID