WebClick Tracer

John Amores suportado ng JRU coach: ‘Hindi naman lahat perpekto’

Parang anak daw ang turing ni Jose Rizal University (JRU) head coach Louie Gonzalez kay John Amores.

Kaya sa kabila ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya ay hindi niya raw ito pababayaan.

Halos araw-araw ay kinakausap niya umano si Amores.

“John is like my son. I talk to him almost everyday. Hindi ko pababayaan ‘yung anak kong ‘yun. He’s like a son to me, parang apo ko na rin ‘yung anak nun and I’m happy na he’s doing fine.

“And hopefully he’ll be back, hindi ko naman sinasabi na (tama)… mali ‘yung nangyari. It’s an unfortunate… I think the right word is it’s really unfortunate, pero si John, mabait na tao. Mabait na bata,” ani Gonzalez sa isang article ng GMA.

Nakapokus daw sila ngayon para iparamdam kay Amores na nasa tabi niya sila at nakasuporta.

“We spoke to him na may mali talaga. Merong mali and hindi naman lahat ng tao perpekto pero alam namin na matututo siya dito sa sitwasyon,” dugtong niya.

Naging laman ng mga balita si Amores matapos manapak sa laban ng JRU at College of Saint Benilde noong November 8.

Dahil dito, napatalsik siya sa JRU, nasuspinde sa klase at pinatawan din ng NCAA ng “indefinite suspension”. (IS)

TELETABLOID