WebClick Tracer

Holdapan sa North Cotabato nauwi sa engkuwentro, 4 dedbol

Apat katao ang nasawi matapos mauwi sa barilan ang insidente ng panghoholdap sa Brgy. Bagontapay, M’lang, North Cotabato nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, agad naglunsad ng hot pursuit operation ang pulisya at naka-engkuwentro ang mga suspek. 

Kabilang sa nasawi sa holdapan sa isang kainan sa Brgy. Bagontapay ang isang pulis at dalawang sibilyan.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

TELETABLOID