WebClick Tracer

Paslit dedo sa baril ni erpat

Hindi na umabot sa pasko ang apat na taong gulang na bata matapos aksidente itong mabaril ng kaniyang ama sa Calanasan, Apayao.

Kinilala ang biktimang bata na si Cian Lee Dang­gan at ang suspek naman ay si Samboy Lee Danggan. Ayon sa report na natanggap ng Apayao Police Provincial Office (APPO), habang nililinisan umano ng ama ang baril nito ay aksidente umano itong pumutok at tumama sa dingding.

Hindi umano sukat-akalain ng ama na ang aksidenteng pagputok ng baril ang papatay sa kaniyang anak. Tumagos ang bala sa dingding at doon na niya nadiskubre na ang kaniyang anak na naglalaro sa labas ay ang natamaan ng kumawalang bala.

Bukod pa rito, nadiskubrehan din na ang baril pala ng suspek ay hindi rehistrado. Kinakaharap ngayon ng suspek ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasong parricide. Nasa kustodiya naman na ng mga awtoridad ang suspek.

TELETABLOID