WebClick Tracer

Criminology student patay sa pamamaril sa Pagbilao, Quezon

Patay ang isang crimonology student matapos pagbabarilin sa Pagbilao, Quezon nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng biktima na si Jayvee Eballo Ramos, 18 anyos, 1st year criminology student.

Batay sa report ng pulisya dakong alas 10 ng gabi, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima kaangkas ang kanyang girlfriend at papuwi na sa kanilang bahay nang pagsapit sa Sitio Ulbok, Brgy. Mapagong, ay pagbabrilin ito ng dalawang hindi nakilalang suspect.

Tinamaan ito sa dibib pero nagawa pa nitong makapagmaneho pauwi.

Pagdating sa bahay agad itong isinugod ito ng mga kaanak sa ospital subalit binawian na ito ng buhay bago mairating sa MMG hispital

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang pagkakakilanlan sa mga suspect at kung ano ang motibo sa krimen. RONILO DAGOS

TELETABLOID