WebClick Tracer

Nesthy Petecio engaged na

Nesthy Petecio

Hindi lang medalya ang nasungkit ni Olympic boxing silver medalist Nesthy Petecio kundi pati na rin ang puso ng kaniyang minamahal. Inanunsyo ni Petecio ang pag-propose nito sa kaniyang kasintahan na si Riza Geneblaza.

Ito ay inanunsyo ng dalawa sa kanilang Instagram.

“I love you! @jane_neb_blaise Thank you pill 😘🥰🤗❤️ #engaged” saad sa caption ni Petecio.

Sumagot naman ang kaniyang future asawa sa post ni Petecio.

“OFFICIALLY ENGAGED❣️🔑🔒Love speaks no gender👩‍❤️‍💋‍👩”

Ibinahagi rin ni Petecio ang balita sa Facebook.

“JUST IN : OLYMPIAN NESTHY PETECIO AND HER LONG TIME PARTNER RIZA GENEBLAZA ARE NOW OFFICIALLY ENGAGED 💍 🎉❤️ From champ Nesthy’s post on her official facebook account. Finally!!!! Officially engaged na jud dili na atik².. 😁😁 Sorry Kung di masyado romantic yung proposal ko sayo, wala akong makunchaba gawin yung plan ko kasi dika pwede umuwi sa davao..Doon ko sana gawin yun with my family.. sorry pill kung pinaiyak, inaaway at binuburaot kita bago ko gawin mag propose sayo..😁😁 late na din ako naka videocall sa mga kapatid ko kasi umiiyak kana dahil binuburaot na kita ee…hahahahaha Iloveyou pill Gen 😘🥰❤️” saad sa caption.

Nagbigay-karangalan si Petecio sa bansa noong 2021 sa Tokyo Olympics kung saan nasungkit nito ang mailap na silver medal sa women’s featherweight division.

TELETABLOID