WebClick Tracer

Kaya raw nagpaulan ng tres: Simon Enciso ganado kay Chie Filomeno

simon

Viral ang litrato nina San Miguel Beermen guard Simon Enciso at sexy actress Chie Filomeno.

Sa isang Facebook page, ibinahagi ang screen grab nina Enciso at Filomeno habang magkatabi sa bench ng Philsports Arena noong Sabado, Nov. 19.

Saad tuloy ng netizens, kaya raw pala inspirado si Enciso ay dahil nanonood si Filomeno.

Tinanghal na best player si Simon sa krusyal na panalo ng SMB kontra Phoenix Super LPG, 108-104, sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Kumana si Enciso ng 20 points, seven rebounds, three assists at two steals.

Maliban dito, anim na 3-pointer din ang naipasok niya.

Narito reaksyon ng netizens:

“Kaya pala eh, kundisyon c idol!”

“Dibali ng umulan ng 3point may payong nmn dala sulit parin.”

“Lupit mo tlaaga boy pana.. gandang dilag napana mo.”

“Kaya pala pumapasok ang 3’s kasi nasa kundisyon.. 😅panay BANG BANG BANG .sabay pana moves..hehe.”

“Kaya pala nkakabuslo ka sa 3pt area dahil kay ateng!” (IS)

<iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/73jaikV3fgc” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen=””></iframe>

TELETABLOID