WebClick Tracer

Vic Manuel napuruhan si misis

Vic Manuel

Kahit nalasap ng San Miguel Beermen ang back-to-back losses sa 2022 PBA Commissioner’s Cup, binigyan ng Diyos ng dahilan si Vic Manuel para ngumiti.

Sa Instagram, ibinalita ni Manuel na preggy ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagpo-post ng positive result ng mga pregnancy test nito.

“Kahit marami kami problema pinagdadanan ngaun. LORD binigyan mo pdin kmi ng reason para ngumiti! Thankyou LORD for another blessing,” sambit ng “Muscle Man”.

Batay sa mga Instagram post ni Manuel, pangatlong anak na niya ang ipinagbubuntis ng misis. (IS)

TELETABLOID