WebClick Tracer

PWD, Bumbero dedbol sa sunog sa Las Piñas

PWD, Bumbero dedbol sa sunog sa Las Piñas

Nasawi sa sunog ang 18 taong gulang na person with disability (PWD) at isang retiradong bumbero sa sunog na naganap sa isang residential area sa Las Piñas City.

Dagdag pa rito, tatlo rin ang sugatan at 60 na tahanan ang tinatayang nilamon ng sunog.

Ang biktima na PWD ay isa umanong special child at residente ng Mosqueda Compound, Admiral Village, Brgy. Talon Tres, Las Piñas. Ang isa pa sa nasawi ay ang dating miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula umano ang sunog ng hapon at halos nasa dalawang oras itong pinapatay, umabot na sa alas-sais ng gabi bago ito ideklarang fire-out. Nasa 39 na truck naman ng bumbero ang pumunta sa insidente.

Nasa 70 na pamilya naman ang naapektuhan at nawalan ng tahanan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang dahilan ng sunog.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on