WebClick Tracer

Bata hinalay sa CR ng evacuation center kapalit ng P50

Nahaharap sa kasong rape ang isang lalaki matapos umanong gahasain ang isang 9-anyos na babae na binigyan niya ng P50 sa isang evacuation center sa Zamboanga City.

Naaresto ang suspek na si Alan Abenejo, 46-anyos, residente ng Barangay Tumaga, matapos magsumbong ang biktima sa kanyang guro, ayon sa ulat sa GMA.


Nagpasama raw sa biktima at kapatid niya ang suspek patungong CR ng evacuation center at dito ginawa ang panghahalay.

Lumabas naman umano sa isinagawang medical examination sa biktima na may “slight laceration” at “seminal fluid” siya sa ari.

Samantala, todo tanggi si Abenejo sa panggagahasa sa biktima. Giit niya, wala siya sa evacuation center nang araw na mangyari ang insidente. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on