WebClick Tracer

John Lapus rumesbak kay Ronnie Liang: ‘So walang self-respect gumagawa ng porn?’

Umalma ang comedian na si John Lapus sa sinabi ni singer Ronnie Liang tungkol sa porn movie.

Matatandaang nag-trending ang “Ngiti” hitmaker matapos niyang sabihing na-bad trip siya nang aluking gumawa ng bold film.

Giit niya, hindi siya nag-aral mabuti para magbuyangyang ng ari.

Dagdag niya, may respeto siya sa kanyang sarili.

“I got pissed off and disappointed. 😤I was offered and urged to do PORN movies…😬 Thanks, but NO thanks po. I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya,” ani Ronnie sa viral FB post.

“I am not perfect, super rich, or super famous, but to me, fame and money are only temporary. Self-respect and the respect of my colleagues in and out of showbiz are forever more vital to me,” dagdag niya.

Sa kanyang Twitter account, nag-react dito si John.

“So walang “self respect” ang gumagawa ng porn?” tweet ni John. (IS)

Read more:

Inalok mag-bold, nabuwisit! Ronnie Liang hindi raw nag-aral mabuti para lang magbuyangyang ng ‘batuta’

TELETABLOID

Follow Abante News on