Isang bagong kasal ang ibinunyag ang kanilang sikreto, ang paghalik umano nila sa mismong kasal ang unang beses nilang halikan.
Mala-Disney fairytale umano ito ayon sa magkasintahan.
Ipinagdasal umano ng babae noong siya ay 17 taong gulang pa lang na kung sakali sana ay ang kaniyang unang halik ay mangyari sa mismong araw ng kaniyang kasal at ito ay nagkatotoo nga.
“I was praying one day and felt that the Lord just asked me if I was willing” sagot ng babae sa isang interview.
Nakilala ng babae ang kaniyang asawa na ngayon na si Micah noong Abril 2021, nagkakilala ang dalawa dahil sa social media.
Magkakilala na rin umano ang magulang ng dalawa.
Noong una ay duda pa si Micah sa desisyon ng babae ngunit katagalan ito ay pumayag din.
“I actually liked the idea, but it was definitely hard to not kiss her,” ayon kay Micah.
Samantala, matapos ang ilang buwan na paghihintay ay ikinasal na rin ang dalawang nitong Hunyo 2022, kung saan nangyari na ang unang beses nilang tukaan.
“It’s almost like a Disney fairytale, that’s how I knew he was different too,” saad ng babae matapos ang unang halik.
(CS)