WebClick Tracer

Bong Revilla ininspeksyon winasak na flood control project ni ‘Paeng’

Nabuhayan ng loob ang mga residente na naging biktima ng bagyong Paeng matapos inspeksiyunin ni Senador Bong Revilla ang nawasak na Flood Control Project sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City.

Kasama ni Revilla sa naturang inspeksiyon sina Mayor John Dalipe at Congressman Khymer Olaso na silang nagpaliwanag kung paano ang naging karanasan ng kanilang mga kababayan sa lupit ng pananalasa ng naturang bagyo.

Bago ang naturang inspeksiyon ay namahagi muna ng Family Food Packs at relief packs si Revilla sa libu-libong residente na karaniwan ay nawalan ng tahanan at marami ay naninirahan na lamang sa mga evacuation center.

Bilang Chairman ng Public Works and Civil Service sa Senado, hindi pumayag si Revilla na hindi personal na makita ang nasirang flood control project upang mas mapabilis kung paano ito sisimulang kumpunihin. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on