WebClick Tracer

14 taong gulang na estudyante ginahasa ng janitor ng paaralan

caliraya

Isang janitor ang hinalay ang isang 14 taong gulang na dalagita sa mismo nitong paaralan. Habang papunta umano sa palikuran ang dalagita ay nakita niya ang janitor na naglilinis sa loob ng palikuran.

Ngunit ng palabas na ang dalagita ay dali-dali siyang sinugod ng janitor at mabilis na ni-lock ang pinto ng palikuran, dito na nangyari ang panggagahasa.

Noong una ay natatakot pa na magsumbong ang dalagita dahil na rin sa takot ngunit matapos siyang bantaan ng suspek ay dito na siya napilitang ipagtapat sa kaniyang lola ang ginawa sa kaniya ng janitor.

Matapos malaman ng lola ang sinapit ng kaniyang apo ay nagsumbong kaagad ito sa mga awtoridad.

Mabilis na ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt operation laban sa janitor, kinilala ang suspek na si Marvin Inojosa, 38 taong gulang, janitor ng Lucena City National High School sa Brgy. Mayao extension, Lucena City, Quezon.

Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa rin ang nasabing suspek.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on