WebClick Tracer

Ginebra tinangay panalo sa SMB

Ipinamalas ng Ginebra ang “Never Say Die” spirit at bumalikwas laban sa San Miguel Beermen nitong Linggo sa 2022-23 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Tinapos ni Scottie Thompson ang pagbangon ng Gin Kings mula sa 19 puntos na pagkakabaon sa isang three-pointer, may 4.8 segundo ang nalalabi sa 4th quarter.

Dahil dito, nilagok ng Ginebra ang panalo kontra sister team, 97-96.

Napahaba pa ng crowd favorite ang winning streak sa tatlo at pumang-apat sa standings sa 5-2 win-loss record.

Bumagsak naman sa pang-walo ang Beermen sa 3-4 kartada.

Tinanghal na Best Player of the Game si import Justin Brownlee sa 33 points, 11 rebounds at 9 assists. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on