Nasawi ang limang taong gulang na bata matapos mahulog sa spillway habang sumasama sa selfie ng kaniyang tita sa Urban Poor, Brgy. Pacol, Naga City, Camarines Sur.
Sumama umano ang bata sa kaniyang tita sa ibabaw ng spillway upang makipaglaro ngunit habang nagse-selfie ang kaniyang tita ay biglang sumulpot ang bata sa gilid upang makisali sa larawan, nahulog ang bata sa spillway at mabilis na tinangay ng alon.
Kinabukasan na ng marekober ang katawan ng bata sa ilog ng Pacol-San Felipe sa Naga City. (CS)