WebClick Tracer

Babae nagwala matapos makansela ang flight

Viral ngayon ang video ng isang babae na galit na galit at sinisigawan ang isang babaeng staff matapos makansela ang kanilang flight.

Makikita sa video na hindi mapigilan ang babae sa pagsigaw nito habang ang staff naman ay pilit pinapakalma ang babae.

“May mga tao talaga mahilig magmataas sa mga taong feeling nila mas mababa ang antas kanila. Kung gusto premium na service, dapat willing magbayad ng premium.” saad sa caption ni Karl Lee CK.

Nagalit naman ang mga netizen sa naging asal ng babae.

“Marunong pa yan sa piloto cancelled nga due to bad weather. For safety reason din yun at automatic yan sa aviation industry.” ayon kay Lester Camasura Gozarin.

“Di mnlng ang bitbit san security o police s airport… iskandalosa.” saad ni Doris de Vera. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on