Ibinuhos ni Vice Ganda ang lahat ng kanyang energy sa pasabog na performance sa isang drag show.
Inawit ni Vice ang “Unstoppable” ni Kat Deluna habang naka-harness at sumirko-sirko siya sa ere.
Marami naman ang humanga sa todo bigay na performance ni Vice sa O Bar sa Pasig, dahil kahit edad 46 na ay nagagawa pang sumirko-sirko.
“Taray ni mamsh nakapag saridon yarn? Ako na 29 lng puro back ache at sakit ng tuhod na.”
“Sana maging judge sya sa season 2 ng dragrace PH.”
“Angas din nito ni vice kahit 46 na eh. Akong 28 masakit lagi balakang haha.”
“Ako na 32 yrs old pero naliligo ang katawan sa efficascent at salonpas! Immortal @Vice Ganda.”
“Lady gaga of the philipines.” (IS)