WebClick Tracer

Mall hours magsisimula ng 11AM simula Nobyembre 14 – MMDA

Upang hindi masyadong maperwisyo ang publiko sa matinding traffic ngayong holiday season, ini-adjust na ang mall hours ng mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi tuwing weekdays.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Atty. Melissa Carunungan na ang adjusted mall hours ay magsisimula sa November 14, 2022 hanggang January 6, 2023.

Layon aniya nito na mapangasiwaan ang inaasahang matinding problema sa trapiko dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa mga shopping mall.

“Napagkasunduan po na starting November 14 up to January 6, the adjusted mall hours sa Metro Manila ay from 11:00 AM to 11:00 PM on the weekdays po,” ani Carunungan.

Para naman aniya sa mga magkakaroon ng weekend sale, pinayuhuhan ng MMDA ang mall owners na magsumite ng traffic management plan sa kanilang tanggapan dalawang linggo bago ang nakatakdang sale upang mapaghandaan ang posibleng epekto nito sa trapiko.

“In addition to this po, iyong mga sale nila po sana po gawin sa weekends, at kung magkaka-sale po sila, na kailangan silang mag-submit sa MMDA ng traffic management plan at least two weeks before para makatulong po kami sa traffic management din po,” dagdag ni Carunungan. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on